Tuesday, February 23, 2016

Sta Rita Eco Park (San Isidro, Sta. Rita, Pampanga)




Santa Rita Eco Park

 Ang Santa Rita Eco Park ay nabuksan noon lamang Disyembre 4, 2015.  Ito ay itinayo sa itaasan ng Santa Rita Megadike. Nagsisimula ito sa baryo sa San Isidro (Gasak) hanggang sa baryo ng San Juan Macaba.

 Ang Eco park ay magandang lugar para makapag unwind, mag alis ng stress, kalimutan ang mga problema, mag relax at I enjoy ang masarap na simoy ng hangin at magandang tanawi. Ang lugar na ito ay magandang puntahan ng mga taong gusto makakita ng maganda at berdeng tanawin. Ito din ay magandang lugar para mag ehersisyo. Ang daan at tanawin sa Eco Park ay naaayon na lugar para sa mga gusting mag jogging at mag bisikleta. Mayroon ding bisikleta na pwedeng arkilahin sa napaka babang halaga.


                
Sa daanan papuntang Eco Park ay madadaanan ang mga landscape na idenesenyo ng mga bawat baryo ng Santa Rita. Makikita ang kanya kanyang pakulo ng mga barangay sa kanilang mga disenyo na gamit lamang ang mga recycled materials tulad ng plastic bottles, gulong at iba pa.


Pagdating sa Eco park ay may mga upuan, mesa at maliliit na kubo na kung saan pwedeng gamitin para mag picnic at magsalo salo kasama ang iyong pamilya, kaibigan o kasintahan. Mayroon din Playground kung saan malayang makakapaglaro ang mga bata at mga feeling bata, meron laruan tulad ng slide, monkey bars, duyan at iba pang mga laruan na pwede kahit ano pa man ang iyong edad.


Ang Eco park ay lugar na stress-free, pollution-free at higit sa lahat ang mga atraksyon dito at lahat ng gamit ay libre. Basta panatiliin lamang na malinis ang lugar para ma enjoy pa ng susunod oang henerasyon.



1 comment:

  1. Nice post! perfect place to relax and feel the fresh air. For more adventure tips in Pampanga visit Things to do in Pampanga

    ReplyDelete