Tuesday, February 23, 2016

Espasyo ng Langit sa Lupa



Sa panahon ng gulo-gulo ang isip at puso, natatanging solusyon ay ang mga isa, makapag muni muni at mabuksan ang puso sa Diyos. Sa patuloy na pag usbong ng urbanisasyon, mahirap makahanap ng espasyo sa mga maiingay na busina ng sasakyan, mga hiyawan sa palengke, at mga makamundong tukso. Sa patuloy na pag unlad ng komersiyalulisasyon sa Mexico, Pampanga, hindi alintana ang nakatagong lugar para sa simpleng lugar kasama ang panginoon. Ang Benedictine Monastery of Perpetual Adoration ay matatagpuan sa Parian, Mexico Pampanga kung saan naninirahan ang mga madre. Bagaman nasa gitna ng palengke, munisipyo at plaza, sa panahong pumasok sinuman dito ay parang pumasok na rin sa ibang mundo. Purong katahimikan, tanaw at ramdam ang preskong hanging hatid ng kalikasan at higit sa lahat, damang dama ang presensya ng Diyos sa kaibuturan ng puso.



Ang Benedictine Monastery of Perpectual Adoration ay piling lugar din para sa ''retreat'' ng mga estudyanteng babae. Mayroon silang mga nakahandang silid para sa mga bisita tulad na lamang ng Mary the Queen College na taun taon ay isinasama ang mga magtatapos na babaeng estudyante sa loob ng minasterio. Doon ay ipinakita ang simpleng pamumuhay, tinuruan kung paano gumawa ng rosaryo at ang palagiang pag dadasal anu man ang ginagawa. Ang monasterion ay napakagandang lugar para sa mga gustong mag karoon ng espasyo sa maingay na mundo at maki pag dibdibang ugnayan sa Poong Maykapal.


No comments:

Post a Comment